TROPICAL CYCLONE WARNING
TCWA NO. 5 SEVERE TROPICAL STORM “JENNY”
INILABAS 5:00 PM 01 OKTUBREBRE 2023 MAY BISA HANGGANG 11:00 PM MAMAYA
(MAY BISA HANGGANG ALAS 11:00 N.G. MAMAYA)
BAHAGYANG LUMAKAS ANG BAGYONG “JENNY” HABANG KUMIKILOS PA-HILAGANG KANLURAN NG PHILIPPINE SEA
Kaninang 4:00 PM, ito ay nasa 760 km silangan ng Aparri, Cagayan
18.2N, 128.8°E
100 km/h malapit sa gitna PAGBUGSO NG HANGIN: 125 km/h
Pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 km/h

LAT (°N) |
LONG (°E) |
LOKASYON | LAKAS (km/h) |
KATEGORYA | |
BUKAS NG HAPON: | 20.0 | 127.3 | 560 km silangan ng Basco, Batanes | 130 | TY |
MARTES NG HAPON: | 21.3 | 125.4 | 375 km silangan ng Itbayat, Batanes | 155 | TY |
MIYERKULES NG HAPON: | 22.2 | 123.3 | 220 km hilagang silangan ng Itbayat, Batanes | 150 | TY |
HUWEBES NG HAPON: | 22.7 | 120.0 | 285 km hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes | 120 | TY |
BIYERNES NG HAPON: | 22.7 | 117.4 | 505 km kanluran hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes (labas ng PAR) | 100 | STS |
Inaasahang dami ng ulan simula Martes ng tanghali hanggang Miyerkules ng tanghali
MALAKAS NA PAG-ULAN:
Inaasahang dami ng ulan simula ngayong araw hanggang bukas ng tanghali
- Aabot sa 25 mm: kalupaan ng Cagayan, Isabela, Quezon kasama ang isla ng Polillo, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Northern Samar, at Eastern Samar.
Inaasahang dami ng ulan simula bukas ng tanghali hanggang Martes ng tanghali
- 50 – 100 mm: Batanes, mga Isla ng Babuyan, kalupaan ng Cagayan, at Isabela.
- 50 – 100 mm: Batanes, mga Isla ng Babuyan, kalupaan ng Cagayan, Isabela, Ilocos Norte at Apayao
Patuloy na palalakasin ng bagyong “JENNY” ang Habagat na magdadala ng paminsan-minsang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Gitna at Katimugang Luzon, Kabisayaan, at Mindanao sa susunod na 3 araw. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring magbase sa Weather Advisory #2 for Southwest Monsoon na inilabas kaninang 11:00 AM at 24-hour Public Weather Forecast and Outlook ng 4:00 PM. Inaasahan ang mas malakas na mga pag-ulan sa mga matataas ang mabundok na lugar. Sa ganitong kalagayan, posible ang pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng mga pag-ulan, lalo na sa mga lugar na madalas na nakakaranas nito ayun sa mga hazard maps at sa mga lugar na nakaranas ng malalakas na pag-ulan noong mga nakalipas na mga araw.
MALAKAS NA HANGIN:
Binibigyan ng babala ang lahat sa panganib na dulot ng bagyo. Posibleng makaranas ng mas malakas na hangin ang mga lugar na malapit sa tabing-dagat at matataas o mabubundok na lugar na direktang maaapektuhan ng hangin. Mas mahina ang hangin na mararanasan sa mga lugar na hindi direktang tinatamaan ng hangin.
- Maliit hanggang sa bahagyang pinsala dahil sa malakas na hangin ang posibleng maranasan sa mga lugar na nasa ilalim ng Babala ng Bagyo Blg. 1.
Magdadala ng pagbugso ng hangin ang paglakas ng Habagat sa mga lugar na wala sa ilalim ng babala ng bagyo lalo na sa malapit sa tabing-dagat at nasa mataas o mabubundok na lugar na maaapektuhan ng hangin:
- Ngayon hanggang bukas: MIMAROPA at Kanlurang ng Kabisayaan
- Sa Martes: Kanlurang Kabisayaan, MIMAROPA, Rehiyon ng Bicol at CALABARZON
PAGKILOS NG BAGYO:
- Tinatayang kikilos ang bagyong JENNY pa-hilagang kanluran hanggang sa Martes bago lumiko pa-kanluran hilagang kanluran sa natitirang araw ng Martes patungo sa Luzon Strait at pa-kanluran sa Huwebes. Ang bagyong “JENNY” ay dadaan sa katimugang Taiwan sa Miyerkules ng gabi o Martes ng umaga bago lumapit sa katubigan ng silangang Taiwan at lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Huwebes ng tanghali o gabi. Subalit, hindi inaalis ang posibilidad na maglandfall ang bagyo sa dulong Hilagang Luzon.
- Inaasahang mananatili sa kanyang lakas ang bagyong “JENNY” sa buong pagtaya at aabot sa kategorya na typhoon bukas na aabot sa 155 km/h sa Martes.
Patuloy na mag-antabay sa mga updates at pagbabago ukol sa sama ng panahon.
Ang mga public and disaster risk reduction and management office (PDRRMO) na maaaring maapektuhan ay pinapayuhan na gumawa ng mga kaukulang hakbang para maprotektahan ang buhay at mga ari-arian. Ang mga nakatira sa mga lugar na maaaring maapektuhan ay pinapayuhang sumunod sa mga tagubilin ng mga namumuno sa inyong lugar. Para sa heavy rainfall warnings, thunderstorm/rainfall advisories, at iba pang severe weather information na para sa inyong lugar, palaging magbantay sa mga produktong ilalabas ng inyong lokal PAGASA Regional Services Division.
BABALA NG BAGYO BLG 1
(39 - 61 km/h lakas ng hangin na inaasahan sa susunod na 36 na oras mula sa unang paglabas ng babala)
Luzon:
Batanes
Maaaring epekto ng hangin: Maliit hanggang sa bahagyang pinsala sa buhay at ari-arian
AGRI-PANAHON
Makararanas ang Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, MIMAROPA, Rehiyon ng Bicol, Kabisayaan, Zamboanga Peninsula at BARMM ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na dulot ng trough ng TS “JENNY” at ng Habagat samantalang ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
BABALA PARA SA MGA MANGINGISDA
Ang bagyong JENNY ay magdudulot ng katamtaman hanggang sa maalon na karagatan (2.0 to 4.0 m) sa baybayin ng dulong Hilagang Luzon at sa hilagang kalupaan ng Cagayan bukas. Pinapayuhan ang mga mangingisda at mga gumagamit ng maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot sa mga nabanggit na lugar samantalang ang mga malalaking sasakyang pandagat ay maging alerto sa malalaking alon. May posibildad na maglabas ng Gale Warning sa mga nasabing karagatan sa mga darating na araw.
Banayad hanggang sa katamtaman ang magiging kalagayan ng karagatan sa natitirang bahagi ng kapuluan. Ang mga mangingisda ay pinapaalalahanan na palaging mag-ingat, ugaliing magdala ng mga gamit pangkagipitan, magbantay at makinig sa mga paalala at patalastas mula sa DOST-PAGASA.
(Base sa tinatayang lugar na dadaanan ng bagyo)
- Putulin and mga labis na sanga at pati na rin ang malalaking sanga ng punong-kahoy na maaring magdulot ng panganib sa tinitirhan o sa alin mang estraktura at iyong malapit sa poste ng elektrisidad.
- Tingnan at isaayos ang daluyan ang tubig na dinadaanan ng labis na tubig na maaring idulot ng malakas na ulan.
- Siyasatin ang mga mahihinang balangkas na sinisilungan ng mga alagang hayop, isaayos kung kinakailangan
- Anihin at ipagbili ang mga halamang madaling mabulok tulad ng gulay at bungang kahoy.
- Magsagawa ng mga kinauukulang paghahanda sa ano mang di inaasahang pangyayari sa paglapit ng unos o sama ng panahon.
- Patuloy sa mga normal na gawain sa bukid.
- Siguraduhing matibay at maayos ang imbakan o kamalig ng mga produkong binhi tulad ng palay at mais atbp produktong gulay o prutas upang hindi bumaba ang kalidad ng mga ito.
- Ipagpatuloy pa rin ang paglilinis ng kapaligiran lalo na ang daluyan ng tubig para maiwasan ang mga pagbaha at pag-usos ng lupa.
- Gumawa ng mga kanal para ipunan ng tubig o “small impounding reservoir” upang may magamit na tubig sakaling magkaroon ng kakulangan.
INIHANDA NI/NINA: NRE / ARL BINIGYANG PANSIN NI: JAM