Tropical Cyclone Warning for Agriculture

TROPICAL CYCLONE WARNING
TCWA NO. 3 SUPER TYPHOON “BETTY”

INILABAS ALAS 05:00 PM 27 MAYO MAY BISA HANGGANG ALAS 11:00 PM MAMAYA2023
(MAY BISA HANGGANG ALAS 11:00 N.G. MAMAYA)
SYNOPSIS

ANG STY “BETTY” AY BAHAGYANG HUMINA AT NGAYON AY KUMIKILOS PATUNGO SA KANLURAN.

LOKASYON

Kaninang 04:00PM, ito ay nasa 1,035 km silangan ng Central Luzon

COORDINATES

16.7°N,131.8°E

TAGLAY NA LAKAS NG HANGIN

185 km/h malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin 230 km/h

PAGKILOS

pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 km/h

TINATAYANG LUGAR NA DADAANAN NG BAGYO
LAT
(°N)
LONG
(°E)
LOKASYON LAKAS
(km/h)
KATEGORYA
BUKAS NG HAPON: 17.7 127.8 640 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan 195 STY
LUNES NG HAPON: 19.4 125.0 370 km silangan ng Calayan, Cagayan 185 STY
MARTES NG HAPON: 20.2 124.1 250 km silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes 165 TY
MIYERKULES NG HAPON: 21.3 123.5 310 km silangan hilagang silangan ng ng Itbayat, Batanes 140 TY
HUWEBES NG HAPON: 23.5 124.7 420 km hilagang silangan ng Itbayat, Batanes 130 TY

SA LUNES NG HAPON HANGGANG SA MARTES NG HAPON: Mararanasan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan(100-200 mm) sa Batanes, mga Isla ng Babuyan, at hilagang bahagi ng Cagayan, Apayao, Ilocos Norte, at Ilocos Sur. Inaasahan naman ang katamtaman na pag-ulan (50 – 100 mm) sa La Union at natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region.

SA MARTES NG HAPON HANGGANG MIYERKULES NG HAPON: Malakas na pag-ulan (>200 mm) ang inaasahan sa Batanes. Katamtaman hanggang malakas na pag-ulan (100 –200 mm) ang inaasahan sa Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at La Union habang mahina hanggang sa katamtaman na pag-ulan (50-100 mm) ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region at sa hilagang bahagi ng Cagayan.

Ang mga pag-ulan ay inaasahan na mas malalakas lalo na sa mga bulubundukin na lugar.

Sa mga lugar na hindi apektado ng bagyo, monsoon rains na dala ng habagat ang magpapa-ulan sa kanlurang bahagi ng MIMAROPA, Kabisayaan at Mindanao bukas. Sa Lunes at Martes, monsoon rains ang mararanasan sa kanlurang bahagi ng MIMAROPA at Kanlurang Kabisayaan at posible sa natitirang bahagi ng MIMAROPA at Kanlurang Kabisayaan.

Sa ganitong kalagayan, kalat-kalat hanggang sa malawakang pagbaha at pagguho ng lupa ang maaaring mangyari lalo na sa mga lugar na madalas na nakakaranas nito ayun sa mga hazard maps.

MALAKAS NA HANGIN: Malakas na hangin ang inaasahan sa mga lugar na nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1. Malakas na hangin na may mga bugso ng hangin dala naman ng habagat ang inaasahan sa Kabisayaan, kanlurang bahagi ng Central at Katimugang Luzon at hilaga at kanlurang bahagi ng Mindanao simula bukas ng gabi o Lunes ng umaga.

PAGKILOS NG BAGYO: Ang bagyong “Betty” ay tinatayang kikilos pa-kanluran sa susunod na 12 na oras at kikilos pa-kanluran hilagang kanluran. Sa Lunes, ito ay kikilos pa-hilagang kanluran at babagal habang papalapit sa baybayin sa silangan ng dulong Hilagang Luzon. Ang bagyo ay halos hindi kikilos sa gabi ng Martes at madaling araw ng Miyerkules kung saan ito ay malapit sa Batanes (250-300 km).

Sa pagtaya, ang bagyong “Betty” ay mananatiling isang super typhoon sa susunod na 24-36 na oras, ngunit maaaring lumakas pa ito sa susunod na 12-24 na oras. Ito ay inaasahan na hihina naman sa Lunes o Martes habang patungo sa Batanes.

Patuloy na mag-antabay sa mga updates at pagbabago ukol sa sama ng panahon.

Ang mga public and disaster risk reduction and management office (PDRRMO) na maaaring maapektuhan ay pinapayuhan na gumawa ng mga kaukulang hakbang para maprotektahan ang buhay at mga ari-arian. Ang mga nakatira sa mga lugar na maaaring maapektuhan ay pinapayuhang sumunod sa mga tagubilin ng mga namumuno sa inyong lugar. Para sa heavy rainfall warnings, thunderstorm/rainfall advisories, at iba pang severe weather information na para sa inyong lugar, palaging magbantay sa mga produktong ilalabas ng inyong local PAGASA Regional Services Division.

TCWS NO. 1
(39 - 61 km/h lakas ng hangin na inaasahan sa susunod na 36 na oras mula sa unang paglabas ng babala)
Luzon:
Batanes, Cagayan kasmaa ang mga Isla ng Babuyan, Isabela, Apayao, Ilocos Norte, hilaga at gitnang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Malibcong, Danglas, La Paz, Dolores, Tayum, Bucay, Sallapadan, Daguioman, Bucloc, Boliney), Kalinga, silangan at gitnang bahagi ng Mountain Province (Sadanga, Barlig, Natonin, Paracelis, Bontoc), silangan at gitnang bahagi ng Ifugao (Mayoyao, Aguinaldo, Alfonso Lista, Banaue, Hingyon, Lagawe, Lamut, Kiangan, Asipulo), hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao), Quirino at hilagang silangan na bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Solano, Bagabag, Diadi, Villaverde, Bayombong, Ambaguio)

PAYONG PANGSAKAHAN SA MGA LUGAR NA MAY SIGNAL
  • Anihin agad ang mga hinog na pananim, maglagay ng proteksyon sa mga pananim;
  • Tibayan ang mahinang pundasyon ng bahay o kamalig;
  • Siguraduhing ligtas ang mga alagang hayop;
  • Tignan at isaayos ang daluyan ang tubig na dinadaanan ng labis na tubig na maaring idulot ng malakas na ulan.
  • Paghandaan ang anumang emergencies, mag-imbak ng sapat na pagkain, malinis na tubig at iba pang gamit sa pagluluto. Manatili sa loob ng tahanan.
  • Ang mga namamahay malapit sa sapa, ilog at iba pang katulad na lugar, pati narin ang mga nakatira malapit sa tabi ng bundok, burol ay pinapayuhang magsipaghanda sa paglikas sa mas ligtas na lugar.
PAYONG PANGSAKAHAN SA MGA POSIBLENG MAAPEKTUHAN NG BAGYO
(Base sa tinatayang lugar na dadaanan ng bagyo)
  • Putulin and mga labis na sanga at pati na rin ang malalaking sanga ng punong-kahoy na maaring magdulot ng panganib sa tinitirhan o sa alin mang estraktura at iyong malapit sa poste ng elektrisidad.
  • Tingnan at isaayos ang daluyan ang tubig na dinadaanan ng labis na tubig na maaring idulot ng malakas na ulan.
  • Siyasatin ang mga mahihinang balangkas na sinisilungan ng mga alagang hayop, isaayos kung kinakailangan
  • Anihin at ipagbili ang mga halamang madaling mabulok tulad ng gulay at bungang kahoy.
  • Magsagawa ng mga kinauukulang paghahanda sa ano mang di inaasahang pangyayari sa paglapit ng unos o sama ng panahon.
AGRI-PANAHON

Maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa Palawan, Kabisayaan, Zamboanga Peninsula, Hilagang Mindanao, at Caraga samantala, ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
BABALA PARA SA MGA MANGINGISDA
Nakataas ang Gale Warning sa hilaga at silangang bayabyin ng Luzon (Batanes, Cagayan kasama ang Calayan Islands, Isabela, Aurora, Hilagang Quezon [General Nakar] kasama ang hilaga at silangang baybayin ng Polillo Islands [hilagang baybayin ng Panukulan, Burdeous, silangang baybayin ng Patnanungan at Jomalig], Camarines Norte, hilagang baybayin ng Camarines Sur, ang hilaga at silangang baybayin ng Catanduanes, ang silangang baybayin ng Albay at silangang baybayin ng Sorsogon), at silangang baybayin ng Kabisayaan at Mindanao (ang hilaga at silangang baybayin ng Hilagang Samar at Silangang Samar, silangang baybayin ng Surigao Del Norte kasama ang mga Isla ng Siargao at Bucas Grande , at Isla ng Dinagat). Pinapayuhan ang mga mangingisda at mga gumagamit ng maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot sa mga nabanggit na lugar samantalang ang mga malalaking sasakyang pandagat ay inaalerto sa malalaking alon.

Magiging maalon ang mga baybayin sa silangang bahagi ng Luzon. Katamtaman hanggang sa maalon ang magiging kalagayan ng karagatan sa Palawan at silangang bahagi ng Kabisayaan at ng Mindanao samantalang ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging banayad hanggang sa katamtaman na pag-alon ng karagatan. Ang mga mangingisda ay pinapaalalahanan na palaging mag-ingat, ugaliing magdala ng mga gamit pangkagipitan, magbantay at makinig sa mga paalala at patalastas mula sa PAGASA.

PAYONG PANGSAKAHAN SA MGA LUGAR NA HINDI APEKTADO NG BAGYO
  • Patuloy sa mga normal na gawain sa bukid.
  • Siguraduhing matibay at maayos ang imbakan o kamalig ng mga produkong binhi tulad ng palay at mais atbp produktong gulay o prutas upang hindi bumaba ang kalidad ng mga ito.
  • Ipagpatuloy pa rin ang paglilinis ng kapaligiran lalo na ang daluyan ng tubig para maiwasan ang mga pagbaha at pag-usos ng lupa.
  • Gumawa ng mga kanal para ipunan ng tubig o “small impounding reservoir” upang may magamit na tubig sakaling mag karoon ng kakulangan.